DOJ: Desisyon ng korte sa kaso ni ex-Sen Leila de Lima, patunay na umiiral ang justice system sa bansa

Malinaw na umiiral ang justice system sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos ang naging desisyon ng korte sa natitirang kaso ni dating Senadora Leila De Lima.

Ayon kay Remulla, inirerespeto niya ang desisyon na isang patunay na umiiral ang criminal justice system sa Pilipinas.


Pinapahagahan din aniya ng DOJ ang pagkakaroon ng patas na paglilitis at soberenya ng judicial process sa isang demokratikong bansa.

Sinabi pa ng kalihim na prayoridad ng administrasyon ang pagpapahalaga sa karapatang pantao ng bawat isa.

Facebook Comments