DOJ, dismayado sa ginawang pagsalakay ng PNP-ACG sa isang POGO company sa Las Piñas

Dismayado ang Department of Justice (DOJ) sa isinagawang raid ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group sa isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) company sa Las Piñas City kamakailan.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, basta na lamang kasi nagsagawa ng raid ang pulisya ng walang tukoy na paglabag at batayan para hulihin ang mga tao.

Aniya, dahil ayaw makinig at makipag-usap ay parang pumasok lamang ang mga pulis para mangisda.


Dagdag ng kalihim, taliwas ito sa nangyaring raid sa Pampanga kung saan nagkaroon ng case build up sa pagitan ng PNP at DOJ.

Iginiit din ni Remulla na hindi sila magsasampa ng kaso kung walang ebidensya at hindi rin sila papayag sa pagtatanim ng ebidensya.

Nauna nang sumalang sa preliminary investigation ang ilan sa umano’y opisyal sa ni-raid na compound pero pinalaya ang mga ito dahil kailangan pa ng karagdagang imbestigasyon.

Samantala, mag-uusap naman ang DOJ at PNP-ACG kasunod ng naging problema ginawa nilang pagsalakay sa naturang compound.

Facebook Comments