Dismayado ang Department of Justice (DOJ) sa ginawang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng Pilipinas na ihinto ang imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon sa DOJ, pinahihina ng ruling na ito ang soberanya ng Pilipinas at binabalewala ang principle of complementarity sa ilalim ng international law.
Dagdag pa ng ahensya, ang pagbasura ng ICC sa apela ng bansa ay batay sa isang maling interpretasyon ng sarili nitong hurisdiksyon.
Nabigo nitong kilalanin na ang Pilipinas ay may justice system na may kakayahang mag-imbestiga at umusig ng mga krimen sa loob ng nasasakupan nito.
Samantala, tiniyak naman ng DOJ na patuloy nitong ipagtatanggol ang soberanya at integridad ng justice system ng bansa.
Hinimok din nito ang ICC na muling isaalang-alang ang desisyon at kilalanin ang rule of law ng Pilipinas.