Hihirit ang Department of Justice (DOJ) sa Public Attorney’s Office upang mabigyan ng legal assistance ang mga bantay sa custodial facility ng National Bureau of Investigation (NBI) na nahaharap sa kasong graft and corrupt practices act.
Kaugnay ito sa pag-escort ng anim na mga security personnel sa detainee na si Jad Dera na lumabas sa nasabing pasilidad para daw magpagamot pero nadeskubreng kumain sa hotel sa Makati.
Samantala, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano na tumangging mag-assist ang PAO sa mga suspek na NBI personnel dahil sa isyu ng conflict of interest.
Dulot na rin aniya ito ng mga recantation ng mga suspek na hawak ng NBI matapos naghain ng extra judicial confession.
Kaugnay nito’y nauna nang dumulog ang DOJ sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) tungkol sa nasabing isyu pero ibinalik o ipinasa lang ito sa PAO.