DOJ, dumistansya muna sa imbestigasyon sa presidentiable na gumagamit ng cocaine

Hindi muna papasok ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay ng expose’ ng Pangulong Rodrigo Duterte na may presidentiable na gumagamit ng cocaine.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ipauubaya muna nila sa Philippine Drug and Enforcement Unit (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang pagtukoy kung sino ang naturang presidentiable.

Aniya, papasok lamang ang DOJ at NBI sa nasabing imbestigasyon kapag kakailanganin na.


Una nang naglabas si presidential aspirant Bongbong Marcos ng negatibong cocaine test result.

Habang negatibo rin sa pagsusuri sina presidentiable Ping Lacson at vice presidential bet Tito Sotto.

Facebook Comments