DOJ, dumistansya sa anggulong mga pulis din ng Caloocan ang pumatay kay Reynaldo de Guzman

Manila, Philippines – Tumanggi muna si Justice Sec. Vitaliano Aguirre na mag-komento hinggil sa posibilidad na pulis din ng Caloocan City ang pumatay sa katorse anyos na si Reynaldo De Guzman.

Sa halip, sinabi ni Aguirre na ang malinaw ngayon sa paunang imbestigasyon ng NBI ay dalawamput anim na saksak ang tinamo ni de Guzman.

Ina-alam pa aniya ngayon ng NBI kung ang pitong tama ng saksak sa dibdib ng binatilyo ay ginawa nung buhay pa ang biktima.


Ayon kay Aguirre , malinaw din na si de Guzman ang huling kasama ni Carl Angelo Arnaiz nang mawala ito hanggang sa matagpuang patay.

Inalok na ni Aguirre ang pamilya ni de Guzman ng pagsasailalim sa kanila sa Witness Protection Program.

Facebook Comments