Walang hurisdiksyon ang Dept. of Justice sa pagbawi sa 60-million na ad placement fees mula sa Bitag Media ni Broadcaster Ben Tulfo.
Partikular ang pinasok na advertisement ng Dept. of Tourism sa programa ni Tulfo noong ang kalihim ng departamento ay ang kapatid nitong si dating Sec. Wanda Tulfo-Teo.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, lahat ng mga reklamo ng katiwalian laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, ang Office of the Ombudsman ang siyang may mandato na gumawa ng imbestigayson
Kapag nakitaan naman aniya ng sapat na batayan para makasuhan at maiakyat sa Sandiganbayan ang kaso, ang paghahabol sa halaga na babawiin ng gobyerno ay otomatikong bahagi na ng mandato ng anti-graft court.
Nilinaw naman ni Guevarra na sakaling kailanganin ng anti-graft court ang kanilang tulong sa imbestigasyon ay handa naman sila dito.