DOJ, dumistansya sa kahilingan ng opposition senators na iatras ang mga kaso laban kay dating Sen. De Lima

Dumistansya ang Department of Justice (DOJ) sa resolusyon na inihain nina opposition Senators Risa Hontiveros at Koko Pimentel na humihiling sa DOJ na iatras ang mga kasong isinampa nito laban kay dating Senadora Leila de Lima.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, ang Muntinlupa Regional Trial Court ang may hurisdiksyon sa mga kaso ni De Lima.

Aniya, ang naturang mga korte lamang ang may kapangyarihan na umakto sa drug cases ng dating senadora.


Ang hirit ng opposition senators ay kasunod ng pagbawi ng ilang testigo sa kanilang mga naunang testimonya laban kay De Lima.

Facebook Comments