DOJ, dumistansya sa pagtapyas ng Kongreso sa budget ng PAO

90

Tumanggi si Justice Secretary Menardo Guevarra na manghimasok sa pagtapyas ng Kongreso sa pondo ng Forensic Laboratory ng Public Attorney’s Office (PAO).

Ayon kay Sec. Guevarra, legislative prerogative ang nasabing usapin at labas na dito ang DOJ.


Kinumpirma rin ng kahilim na ang panukalang pondo na para sana sa PAO Forensic Laboratory ay inilipat sa NBI forensic.

Una nang umalma ang PAO sa pagtapyas sa pondo ng kanilang Forensic Laboratory na aniyang panggigipit sa kanila.

Facebook Comments