Hindi makikialam ang Department of Justice (DOJ) sa tensyon sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dating Pang. Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ni DOJ Spokesperson Mico Clavano, nang tanungin kung maaari bang makasuhan si Duterte dahil sa mga akusasyong binitiwan niya kaugnay sa iligal na droga noong Linggo laban kay Pangulong Marcos.
Ayon kay Clavano, hindi nila prayoridad sa ngayon ang makisali sa isyu dahil maraming inaasikasong kaso ang DOJ.
Sa ngayon ay nakatutok aniya ang ahensya sa mga reporma ng DOJ at Bureau of Corrections (BuCor), partikular ang decongestion o pagpapaluwag ng mga kulungan, na isa sa plano ng administrasyon.
Facebook Comments