DOJ, ginagalang ang naging desisyon ng CA hinggil sa pag-abswelto kay Janet Napoles

Manila, Philippines – Nirerespeto ng Department of Justice ang naging desisyon ng Court of Appeals hinggil sa pag-abswelto sa tinaguriang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, wala namang magiging problema kung ang pinagbasehan ng Appellate Court ay ebidensya.

Sinabi pa ni Aguirre, nauunawan nya na kinakailangang maging patas ang CA sa lahat.


Paliwanag pa ng kalihim, balak nilang gamitin si Napoles bilang testigo sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa PDAF scam.

Alinsunod sa section 21 article 3 ng bill of rights ng 1987 constitution, dahil sa pagpapawalang sala ng CA kay Napoles, hindi na maaari pang iapela ang desisyon alinsunod narin sa prinsipyo ng double jeopardy.

DZXL558

Facebook Comments