DOJ, gumagawa na ng paraan para tuluyan nang mabawi ang Medical Items na nakumpiska sa raids

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Justice sa Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, Bureau of Customs at Department of Health para sa posibleng tuluyang pagkumpiska ng gobyerno sa medical items na nasamsam sa raid ng mga otoridad.

Partikular ang milyun-milyong pisong halaga ng face masks, thermal scanners at rubbing alcohol na nakumpiska ng NBI at PNP sa sunud-sunod na raid ng mga ito sa nakalipas na dalawang linggo.

Karaniwan kasing itinatago ang mga nakumpiskang items sa raid bilang mga ebidensya na ipi-prisinta sa paglilitis sa korte.


Nais ng DOJ na maipamahagi agad sa Frontliners ang mga nakumpiskang medical supplies para mapakinabangan ito sa laban kontra COVID-19.

Tinukoy ng DOJ na sa ilalim ng Customs Modernization and Tariffs Act at Price Act, pinahihintulutan ang pagkumpiska ng gobyerno sa mga nasabat na items sa mga raid.

Facebook Comments