DOJ, hahawakan na rin ang kaso ng pintor na si Bree Jonson

Kinumpirma ng Department of Justice na sila na ang hahawak ng kaso ng artist na si Bree Jonson.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nais nilang maitiyak na isasagawa ng maayos ang imbestigasyon.

Aniya, nakita kasi nilang interesado ang publiko sa kaso ni Jonson kaya’t agad na magtatalaga ang DOJ ng state prosecutor na tututok dito.


Samantala, kasulukuyan nang nagtutulungan ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para mas mapabilis pa ang usad ng kaso.

Matatandaang natagpuan ang walang buhay na labi ni Jonson sa isang hotel sa La Union kung saan lumabas sa autopsy na asphyxia ikinamatay nito.

Facebook Comments