DOJ, handang magbigay ng seguridad sa NPA members na naging resource persons ng Senado

254

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nakahanda ang Witness Protection Program (WPP) ng DOJ na bigyan ng proteksyon ang mga sumukong kasapi ng CPP-NPA-NDF na nagtetestigo ngayon sa Senado sa isyu ng red-tagging.

Ayon kay Sec. Guevarra, hihintayin lamang nila ang endorsement mula sa Senado at agad silang magsasagawa ng evaluation saka magpapalabas ng kautusan


Una nang umapela kay Sec. Guevarra ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa pangunguna ni Jeffrey Celiz alyas Ka Eric na sana ay mabigyan sila ng proteksyon ng WPP dahil batid nilang nasa hitlist na sila ng kanilang dating kinaanibang grupo.

Sa kanilang pagtetestigo sa Senado, ibinunyag ng mga ito ang pagre-recruit ng komunistang grupo sa mga estudyante para sumanib sa kanilang kilusan.

Facebook Comments