Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na nakausap na niya ang kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa hinggil sa seguridad nito at ng pamilya ng pinaslang na radio commentator.
Pero wala pa aniyang pinal na desisyon sa usapin ng pagbibigay ng seguridad dito.
Kinumpirma rin ni Remulla na nasa kustodiya na ng isang military facility ang dating amo ni Joel Escorial, ang umaming gunman sa Percy Lapid killing.
Ayon sa kalihim, na-secure na ang taong ito pero wala pa itong malinaw na koneksyon sa Percy Lapid killing.
Ayon kay Remulla, sa huling pakikipag-usap niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ay naidetalye na niya rito ang mga development sa Percy Lapid case.
Pero maingat aniya sila sa pag-validate sa mga lumalabas na impormasyon at pangalan para mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng mga taong iniuugnay sa kaso.