DOJ, handang maglabas ulit ng ILBO laban sa mga bagong pangalan na dawit sa flood control issues

Handa ang Department of Justice (DOJ) na muling magpalabas ng immigration lookout bulletin order sakaling muling hilinging sa kanila ng Senate Blue Ribbon Committee.

Kasunod ito ng paglutang ng mga pangalan ng mga opisyal at kongresista sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado tungkol sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mandato nila ito sa ilalim ng batas at kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng Senado.

Nang tanungin naman kung walang sisinuhin kahit pa ang House Speaker, sabi ni Remulla:

Samantala, nilinaw ni Remulla na hindi ang mag-asawang Discaya ang sinasabi nya noon na lumapit sa kaniya para maging whistleblower sa mga anomalya sa flood control projects.

Facebook Comments