DOJ, handang paimbestigahan ang pagkalat ng fake news sa sinasabing malawakang lockdown ngayong holiday season

Handa ang Department of Justice (DOJ) na paimbestigahan ang kumakalat fake news kaugnay ng lockdown daw ngayong holiday season.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon, irereserba na muna niya ang resources ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa iba pang mas mahahalagang bagay.

Pero kung may makita aniya silang pruweba na sinasadya ang pagpapakalat ng fake news para mag-panic ang publiko o isabotahe ang ekonomiya, agad niyang aatasan ang NBI na mag-imbestiga, habulin at panagutin ang mga nasa likod nito.


Kaugnay nito, pinayuhan din ng kalihim ang netizens na huwag basta maniniwala sa mga tsismis at sa halip ay hintayin muna ang pamahalaan.

Una nang kumalat ang mga maling impormasyon na magkakaroon ng malawakang lockdown mula December 23, 2020 hanggang January 3, 2021 bilang bahagi ng preemptive measures ng gobyerno kontra COVID-19.

Facebook Comments