DOJ, hindi pa tiyak kung natanggap na ni Kapa Founder Joel Apolonario ang subpoena para sa pagdinig bukas

Hindi pa sigurado ng DOJ kung natanggap na ni KAPA Founder Pastor Joel Apolinario ang subpoena na pinalabas ng Justice Deparment.

 

Bukas at sa July 15 itinakda ng DOJ ang preliminary investigation sa reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission laban sa grupo ni Apolonario.

 

Sa subpoena na unang pinalabas ng DOJ, pinasisipot Si Apolinario at ina pang mga opisyal ng Kapa Community Ministry International Inc. (Kapa).


 

Inatasan din ang Kapa officials na sagutin ang reklamong paglabag sa Securities Regulation Code.

 

Kasama rin sa mga pinadalhan ng subpoena sina Kapa trustee Margie Danao, corporate secretary Reyna Apolinario at mga opisyal na sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista, at Rene Catubigan.

Facebook Comments