DOJ, hindi pipigilan ang pamilya ni Percy Lapid na magsampa ng kasong administratibo laban kay Gen. Gerald Bantag

Hindi manghihimasok ang Department of Justice (DOJ) sa plano ng pamilya ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid na kasuhan sa Ombudsman si suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.

Sinabi ni Justice Sec. Crispin Remulla na karapatan ng pamilya Mabasa kung sino ang kanilang kakasuhan lalo na kung sa akala nila ay makakahanap sila ng hustisya.

Bagama’t sakop pa rin daw ng DOJ si Bantag kahit na ito ay suspendido, hindi naman daw niya ito ipagtatanggol kapag kinasuhan siya ng pamilya ng biktima.


Una nang sinabi ni Atty. Bert Causing, abogado ng pamilya Mabasa, na magsasampa sila sa Ombudsman ng kasong administratibo laban kay Bantag dahil sa pagkamatay ng middleman na si Jun Globa Villamor.

Maituturing aniyang kapabayaan ni Bantag bilang Director ng Bureau of Corrections (BuCor) na protektahan ang posibleng star witness sa krimen.

Posibleng bukas, Biyernes o Lunes isampa ng pamilya Mabasa ang kaso sa Ombudsman laban kay Bantag.

Facebook Comments