Hindi titigil ang Department of Justice (DOJ) na mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patuloy nilang kukuwestiyunin sa Manila Regional Trial Court ang paggawad ng piyansa sa mga akusado.
Nabatid kasi na una ng nagdesisyon ang Manila RTC Branch 40 na maaaring magpiyansa ng P3 milyun ang kada akusado para sa pansamantala nilang kalayaan.
Paliwanag naman ni Remulla, maituturing na mass murder ang sinapit ng mga nawawalang sabungero.
Kung kaya’t dahil dito,hindi nila susukuan ang paghahanap ng hustisya para sa mga ito lalo na’t hawak pa rin nila ang testigo na magdidiin sa mga akusado.
Sinabi rin ng kalihim na ang pagtatago ng mga akusado noon ay indikasyon na may kinalaman sila sa krimen.
Kaugnay nito, magkakaroon muli ng pagpupulong ang DOJ kasama ang pamilya ng mga nawawalang sabungero para malaman nila ang mga hakbang at plano na gagawin upang mapanagot ang mga akusado.