DOJ, hindi tututol sa kahilingan ni Sen. Leila de Lima na madalaw ang inang may sakit sa Camarines Sur

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi kokontrahin ng DOJ ang kahilingan ni Senator Leila De Lima na madalaw sa Camarines Sur ang kanyang inang may sakit.

Ito ay dahil na rin sa humanitarian considerations.

Sinabi ni Guevarra na hihilingin niya sa mga piskal na huwag tututulan ang furlough na iginiit ni De Lima sa Muntinlipa RTC.


Sa urgent motion kasi ng Senadora, hiniling nito na mapagbigyan siya ng korte na makadalaw sa kanyang ina na naka-confine sa ospital sa Iriga City sa August 15 o sa lalong madaling panahon.

Ayon pa sa mosyon ng Senadora, 2 beses niya lang nakita ang kanyang ina mula nang siya ay maaresto at makulong noong February 2017 dahil sa illegal drug case.

Facebook Comments