
Hiningi na rin ng Department of Justice (DOJ) ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa DNA examination ng mga butong nakuha sa Taal Lake, Batangas kung posibleng labi ito ng mga tinaguriang “missing sabungeros”.
Ang mga sample ay tinurn-over sa Philippine National Police (PNP) na nagsasagawa ng DNA testing at cross-matching sa mga profile ng mga nawawalang sabungero at iba pang naiulat na mga nawawalang tao.
Ayon sa DOJ, ang pagsali sa mga iba pang eksperto tulad ng NBI ay magiging kapaki-pakinabang para sa ahensya at para sa pagpapatibay pa ng pangangalap ng ebidensya at forensic pathology.
Bukod dito, humingi na rin ng tulong ang DOJ sa iba pang eksperto tulad ng UP Anthropology Department at Japan government.
Facebook Comments









