DOJ, humiling ng HDO sa korte laban sa police official na sangkot sa Jee Ick Joo case

Humirit ang DOJ mosyon sa Angeles RTC Branch 56 sa Pampanga para harangin ang posibleng paglabas sa bansa ni dating Police Col. Rafael Dumlao.

 

Si Dumlao ay kabilang sa mga dawit sa pagpatay kay South Korean businessman Jee Ick Joo.

 

Sa kanilang urgent ex-parte motion for the issuance of hold departure order , hiniling ng DOJ kay Judge Irin Buan  na mag-isyu ng hold-departure-order at atasan ang Bureau of immigration na pigilan su Dumlao na makalabas ng bansa.


 

Ang hakbang ng DOJ prosecutors ay kasunod ng pagpayag ng korte na makapagpiyansa si Dumlao.

Facebook Comments