
Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na walang pananagutan sa hindi pagbabayad ng buwis ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa ilang mga luxury vehicles nito.
Ipinaliwanag ni Justice spokesperson Atty. Polo Martinez na ibinasura ng DOJ ang tatlong reklamo kaugnay sa excise tax laban sa mga Discaya.
Ayon kay Martinez na ang excise tax ay binabayaran ng importer kung saan nakita ng panel na hindi importer sila Sarah at Curlee kaya hindi sila liable sa pagbabayad ng excise tax.
Nabatid na ang pagbili ng luxury cars ng mga Discaya ay bahagi ng limang tax cases laban sa mag-asawang Discaya na sumailalim sa preliminary investigation sa DOJ.
Samantala, sinabi pa ni Martinez na dalawang kaso naman ang isasampa sa Court of Tax Appeals laban sa mag-asawang Discaya dahil sa hindi tamang pagdedeklara ng mga income tax return para sa taong 2020 at 2021.










