Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong murder laban sa 17 pulis na sangkot sa pagpatay sa mga aktibisitang sina Ariel at Ana Mariz Evangelista sa Batangas sa tinaguriang “Bloody Sunday” noong 2021.
Sa inilabas na resolusyon kahapon na may petsang December 5, 2022, bigo ang mga inilatag na ebidensya na patunayang may sala ang lahat ng dinadawit na pulis sa krimen.
Kabilang ang mag-asawang Evangelista sa siyam na aktibista sa Calabarzon ang pinagpapatay sa magkakahiwalay na operasyon noong March 9, 2021.
Nitong Enero lamang ay ibinasura rin ng DOJ ang kasong murder sa 17 iba pang pulis sa pagpatay naman sa labor leader na si Manuel Asuncion sa Cavite.
Facebook Comments