
Not one, not two, not three.
Ibinunyag ng Department of Justice (DOJ) na aabot sa apat na grupo ang nag-o-operate sa e-sabong na iniimbestigahan ngayon.
Sa ambush inteview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi lamang ang tinaguriang ‘Alpha’ Group ang iniimbestigahan tungkol sa pagkawala ng mga sabungero.
Marami raw kasi ang gustong sumakay sa online sabong dahil sa laki ng perang nakukuha rito
Ibinunyag pa ni Remulla na posibleng buhay pa ang mga nawawalang sabungero bago dalhin sa palaisdaan sa Taal Lake kung saan doon sila pinapatay.
Kaya tinutugis na ang may-ari ng naturang palaisdaan na itinuturing ngayong ground zero.
Facebook Comments









