DOJ, iginiit na dapat irespeto ang hatol ng korte kina Satur Ocampo, Rep. France Castro at iba pa sa kasong child abuse

Umapela ang Department of Justice (DOJ) na irespeto ang desisyon ng hukuman kaugnay sa hatol ng Tagum Regional Trial Court Branch na guilty sina dating Bayan Muna Party-list Representative Satur Ocampo, ACT Teachers Party-list Representative France Castro at 11 pang respondents sa kasong child abuse.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mabigat ang naging proceedings kaya’t mahalaga na irespeto ang resulta ng hatol ng Korte.

Sa kabila nito, sinabi rin ni Remulla na kinikilala pa rin ng DOJ ang karapatan ng mga nahatulang indibidwal na humanap ng legal remedies gaya ng pag-apela sa korte.


Pero kailangan aniyang irespeto pa rin ang Korte, legal system at ang mismong batas.

Muli namang tiniyak ng DOJ ang kanilang commitment sa patas na pagpapatupad ng batas at hinimok ang mamamayan na magtiwala sa integridad ng ating judicial system.

Facebook Comments