DOJ, iginiit na hayaan si Pangulong Duterte magdesisyon ukol sa red-tagging bill

Nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sesertipikahan niya bilang urgent ang panukalang batas na layong i-criminalize ang red-tagging.

Ito ang pahayag ng Department of Justice (DOJ) sa panawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na i-certify bilang urgent bill ang Senate Bill 2121.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, suportado niya ang pagpasa ng panukalang batas.


Pero sinabi ng kalihim na si Pangulong Duterte lamang ang makakapagpasya kung kailangang madaliin ang pagpasa ng panukalang batas.

Nakadepende rin aniya ito sa legislative agenda ng administrasyon.

Facebook Comments