DOJ, iginiit na hindi unconstitutional ang pagpapaliban sa barangay elections

Manila, Philippines – Inalmahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pahayag ni Atty. Romulo Macalintal, isang kilalang election lawyer, na unconstitutional o labag sa batas ang pag-a-appoint o pagtatalaga sa mga barangay officials sa halip na magdaos ng barangay elections.

 

Ayon kay Aguirre, hindi ito magiging unconstitutional sa oras na magpasa ng batas ang Kongreso na nag-uutos na bakantehin ang lahat ng barangay positions at magtalaga na lamang ng mga OIC.

 

Inihalintulad pa ni Aguirre ang barangay elections noong 2016 kung saan sinuspinde ito sa pamamagitan ng paglagda sa Republic Act 10923.

 

Paliwanag pa ni Aguirre, naiintindhihan niya ang layunin ng Pangulo sa pagpapaliban ng barangay elections dahil 40% ng mga barangay ay sangkot sa iligal na droga.

 

Sinabi ni Aguirre, cleansing lamang ang pagpapalibang muli sa barangay elections.



Facebook Comments