DOJ, iginiit na may sapat na basehan para kasuhan sina Morales at iba pang matataas na opsisyal ng PhilHealth

Tiwala ang Department of Justice (DOJ) na mayroong sapat na ebidensya ang task force para kasuhan sina dating PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales at pitong iba pang opisyal dahil sa anomalya sa ahensya.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa mga natukoy na PhilHealth official ay tiyak na mayroon silang sapat na pruweba para magkaroon ang Ombudsman ng probable cause.

Iginiit ni Guevarra na hindi nila pangungunahan ang Ombudsman.


Ang mga isasampang reklamo ay may kinalaman sa pagpatutupad ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) at pagbili ng Information and Communications Technology (ICT) equipment.

Kasalukuyang, iniimbestigahan ng task force ang legal sector ng PhilHealth na hindi kasama sa initial report na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Guevarra na daan-daang bilyong piso ang nawala sa PhilHealth dahil sa “culture of tolerance.”

Facebook Comments