DOJ, iginiit na walang bahid politika ang imbestigasyon sa nangyaring patayan sa war on drugs

Muling iginiit ng Department of Justice (DOJ) na walang bahid ng politika ang ginagawang imbestigasyon ng binuong task force sa extrajudicial killings (EJKs) sa naging war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, sinisiguro niya na magiging transparent at walang halong politika ang imbestigasyon.

Sinabi pa niya na posible rin ipatawag si dating Pangulong Rodrigo Duterte para mabigyan ito ng due process kung saan obligasyon ng DOJ na marinig ang panig nito.


Aniya, walang ibang agenda sa imbestigasyon kundi ang pagpapatupad ng batas.

Hangad din ng DOJ na ipakita sa taumbayan na walang sinuman ang mas mataas sa batas at nararapat lamang na maipatupad ito nang tama.

Facebook Comments