Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Department of Justice ang isang prison guard na nahulihan ng 100 gramo ng shabu sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, aalamin muna nila ang buong detalye kung bakit at paano nakuha sa pag-iingat ni Prison Guard 1 Ernesto Dionglay Jr ang 100 gramo ng shabu.
Sinabi naman ni Justice Undersecretary Erickson Balmes na hindi nila kokonsintehin ang ganitong maling gawain.
Kasunod nito sinabi ng parehong opisyal na kung mapapatunayang nagkasala si PG1 Dionglay ay dapat itong managot sa batas.
Kaninang umaga, habang nagsasagawa ang PNP SAF ng body search sa mga kawani at empleyado ng Bureau of Corrections nakuha kay Dionglay ang droga.
Kasalukuyang nakaditene ang akusado sa Muntinlupa City Police Station.
Matatandaan nito lamang Hulyo a27, sinabi ni Sec. Aguirre na sya muna ang direktang mamumuno sa Bureau of Corrections habang wala pang kapalit ang nagresign na si Bucor Director General Benjamin De Los Santos.