Manila, Philippines – Iimbestigahan na ng Department of Justiceang umanoy maanomalyang paggamit ng Disbursement Acceleration Program o DAP ngnakaraang administrasyon.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, bubuo silang fact finding team na mag-iimbestiga sa nangyaring anomalya.
Kabilang sa kanilang sisilipin ang naging kaugnayan nidating Pangulong Noynoy Aquino, dating Budget Secreatry Butch Abad at SenadorAntonio Trillanes IV na pangunahing nakinabang sa DAP.
Matatandaan nitong linggo, isinapubliko ni PangulongRodrigo Duterte ang maanomalyang P72 billion na transaksyon sa ilalim ngnasabing programa.
Giit ng pangulo, ipinagpatuloy pa rin ng Aquino administrationang pagpapatupad ng DAP kahit una na itong ideneklarang unconstitutional oilegal ng Korte Suprema, noong 2014.
Dagdag pa ni Aguirre, hindi masasabing paninira angpahayag ni Pangulong Duterte dahil suportado ito ng mga dokumento nanagsasabing may katiwalian nangyari sa Aquino administration.
DOJ, iimbestigahan na ang umanoy maanomalyang paggamit ng DAP
Facebook Comments