DOJ, ikinalugod ang guilty verdict sa Maguindanao Massacre, mga miyembro ng prosekusyon, iginiit na hindi sila nagkulang  

Ikinatuwa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kinalabasan ng promulgation kaugnay ng Maguindanao Massacre Case.

Ayon kay Guevarra, bagamat nahatulang guilty ang mga akusado, inaasahan din niya na mga ma-a-acquit din sa kaso.

Tiwala siya na masusing pinag-aralan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga iprinisentang ebidensya at naging patas ang kanyang naging hatol sa kaso.


Binati rin ng kalihim ang mga Prosecutor sa pagtiyak na maipanalo ang kaso upang maihatid ang hustisya para sa pamilya ng mga biktima.

Sinabi naman ni Senior Deputy State Prosecutor, Atty. Richard Fadullon, hindi nangangahulugang may naabswelto sa kaso ay nagkulang na ang Prosecution Team.

Malaking hamon para sa kanila ang maraming bilang ng mga akusado.

Ang mahalaga aniya ay napatunayang may sala ang mga pangunahing akusado sa karumal-dumal na krimen.

Aminado rin si Fadullon na hindi naging madali ang kanilang naging trabaho dahil sa mga natatanggap nilang banta sa kanilang buhay.

Tiniyak ng Prosekusyon na pag-aaralan nilang mabuti ang desisyon ng hukom bago gumawa ng mga susunod na hakbang.

 

Facebook Comments