DOJ, ikinukunsidera ang suspensyon ng Good Conduct Time Allowance

Ikinukunsidera ng Dept. of Justice (DOJ) ang pansamantalang suspensyon ng Good Conduct Time Allowance ng mga bilanggo.

Ito’y kasunod sa umano’y napipintong paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nire-review na ng ahensya ang mga alintuntunan sa ilalim ng GCTA na unang sinabing gagamiting batayan para sa paglaya ng dating alkalde at higit 10,000 inmates.


Matapos aniya ang review, ang bagong panuntunan na ang pagbabasehan ng Bureau of Corrections sa pagpapalaya sa kwalipikadong inmate.

Naniniwala rin si Guevarra na bibilis ang proseso ng paglaya sa mga kwalipikado at “deserving” na preso kapag mayroon ng bagong guideline.

Facebook Comments