DOJ, iminungkahing community service ang gawing parusa sa mga ECQ violators

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na ang mga indibiduwal na maaaresto dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay dapat parusahan ng community service at hindi pagmultahin o ikulong.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inirekomenda na niya ang community service penalty sa huling Inter-Agency Task Force (IATF) meeting.

Katwiran ni Guevarra, mahirap ang buhay ngayong pandemya kaya mas mainam na ipataw ang community service bilang alternatibong parusa sa mga paglabag sa anumang ordinansa.


Aminado ang kalihim na mayroong mga butas sa pag-aresto at paghahain ng reklamo laban sa mga violators batay sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Bukas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa naturang proposal.

Facebook Comments