Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na agad imbestigahan ang mga ulat hinggil sa hindi awtorisadong pamamahagi at paggamit ng hindi rehistradong bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakatuon ang imbestigasyon sa posibleng paglabag sa Food and Drug Administration (FDA) Act, Consumer Act at Medical Practice Act.
Kapag nakakuha ang NBI ng sapat na factual basis sa paghahain ng reklamo, ang DOJ ay magsasagawa ng preliminary investigation at magsasampa ng kaso sa korte.
Una nang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese firm na Sinopharm.
Sa ilalim ng FDA Act of 2009, hindi pinapayagan ang pagbebenta, pagsu-supply o pamamahagi ng produktong hindi rehistrado sa FDA.
Ang FDA at ang Bureau of Customs (BOC) ay iimbestigahan nila kung paano nakapasok ang Chinese-made vaccines sa bansa.