DOJ, inatasan ang NBI na paigtingin ang paghahanap sa nawawalang UP professor

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation na paigtingin ang paghahanap ang nawawalang professor ng University of the Philippines (UP) na si Ryan Oliva.

Ayon kay Guevarra, ang NBI ay makikipag-coordinate sa mga lokal na opisyal sa Occidental Mindoro kung saan natagpuan ang bag ng professor sa pampang ng Barangay Balikyas sa bayan ng Looc.

Ang bag ay naglalaman ng driver’s license ni Oliva, cellphone, charger at automated teller machine (ATM) cards.


Si Oliva ay nagtatrabaho sa Department of Tourism (DOT) legislative liaison office at naiulat na nawawala mula pa noong November 21 ng kanyang pamilya at humihingi na ng tulong sa pamahalaan na matagpuan siya.

Facebook Comments