Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga di umano’y pang-aabuso sa Philippine High School for the Arts (PHSA).
Kasunod ito ng hiling ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio na imbestigahan ang mga alegasyon sa naturang institusyon.
Ayon kay NBI OIC Medardo de Lamos, natanggap na nila ang letter of request ng kalihim at nakatakdang magsumite ang binuong special team sa loob ng pitong araw.
Nag-ugat ang isyu sa isang report ng VICE World News noong nakaraang buwan matapos inihayag ng ilang dati at kasalukuyang estudyante ng PHSA sa Laguna na nakaranas ito ng sexual, verbal at emotional abuse mula sa kanilang mga guro at ilang staff.
Nauna nang nagpadala ng sulat ang ilang estudyante at alumni ng paaralan sa PHSA upang himukin ang administrasyon nitong magng ligtas ang institusyon sa pang-aabuso.