DOJ, inihahanda na ang apela ukol sa pagbasura ng Valenzuela RTC sa ilang akusado sa P6.4-B drug shipment case

Iaakyat ng Department of Justice (DOJ) sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Valenzuela Regional Trial Court na pag-dismiss sa kasong transportation and delivery of illegal drugs laban sa syam na akusado kabilang na si Customs Brokers Mark Taguba at Chinese Businessman Chen Julong.

Kasunod ito ng pagbasura ni Valenzuela City RTC, Branch 284, Judge Arthur Melicor sa motion for reconsideration ng DOJ.

Nanindigan si Justice Secretary Menardo Guevarra na magkaiba ang kasong transportation of illegal drugs na nakasampa sa Valenzuela at ang importation of illegal drugs na nakasampa sa Manila Regional Trial Court.


Bagaman at parehong may kinalaman ang dalawang kaso sa P6.4 billion na ipinuslit na iligal na droga sa customs, ang importasyon anya ay nagtatapos sa Bureau of Customs (BOC) kaya hiwalay ang kasong transportation nang ibiyahe ito mula pier patungo sa warehouse sa Valenzuela kung saan ito nasabat ng mga otoridad.

Tiwala naman si Guevarra na hindi makakaapekto ang pagbasura ng Valenzuela RTC sa transportation of illegal drugs sa kasong nakasampa naman sa Manila RTC na importation of illegal drugs.

Facebook Comments