DOJ, inihahanda na rin ang posibleng paghahain ng Writ of Kalikasan laban sa mga responsable sa malawakang oil spill sa Oriental Mindoro

Naghahanda na rin ang Department of Justice (DOJ) sa posibilidad na paghahain ng Writ of Kalikasan laban sa mga indibidwal, grupo o ahensiya ng gobyerno na mapatutunayang responsable sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na may itinakda na silang deadline laban sa insurer ng mga claimant na apektado ng oil spill.

Aniya, kasama sa mga sisilipin ay ang pananagutan ng mga ahensiya ng gobyerno na maaring nagkaroon ng pagkukulang sa nangyaring oil spill.


Wala namang tinukoy ang kalihim na mga pangalan o partikular na ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments