DOJ, inirekomenda ang pagsasampa ng kasong graft laban sa gobernador ng Nueva Vizcaya dahil sa mga hindi natapos na proyekto

Pinasasampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong paglabag sa Anti-graft law ang gobernador ng Nueva Vizcaya dahil sa mga hindi natapos na proyekto o flagship project ng pamahalaan na pinondohan na tinatayang P149 milyong piso.

Inindorso sa Office of the Ombudsman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ng reklamong paglabag ng Section 3 (e) ng Republic Act (RA) No.3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Section 65 (c) (1) ng RA No. 9184 o the Government Procurement Reform Act laban kay Nueva Vizcaya Governor Carlos M. Padilla dahil sa hindi natapos na proyekto.

Kabilang sa mga proyektong ito ang Nueva Vizcaya Convention Center, Improvement at Expansion ng Provincial Capitol Building Phase 1 and 2 at Conference Hall sa Lower Magat Eco-Tourism Park sa Diadi, Nueva Vizcaya.


Sa joint investigation ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) pinasasampahan ng kapareho ring kasong kriminal ang iba pang opisyal at dating opisyal sa Nueva Vizcaya na kinabibilangan nila Ruth R. Padilla; dating Gobernador at 15 iba pa, kasama ang ilang opisyal ng Sharysu Builders na syang contractor ng proyekto.

Bukod sa reklamong paglabag sa Anti-graft law, inirekomenda rin ang pagsasampa laban sa mga respondents ng reklamong administratibo o grave misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial detrimental to the best interest of the service .

Una nang inirekomenda ni PACC Commissioner Atty. Danilo D.C. Yang na ilagay sa preventive suspension ang mga respondents na si Governor Padilla at labing-anim na iba pa, upang maiwasan na maipluwensyahan ang imbestigasyon, gayundin para maiwasan na takutin ang potential witness at maiwasan ang tampering ng records ng mga dokumento.

Sinabi ni Justice Secretary Guevarra na paiigtingin pa ng Task Force Against Corruption ng DOJ ang kampanya upang tumulong sa Pangulong Duterte laban sa kurapsiyon, sa tulong ng Office of the Ombudsman.

Plano ng DOJ na magtalaga ng mga prosecutors at COA auditors bilang Resident Ombudsman sa graft – prone agencies sa pamahalaan.

Facebook Comments