DOJ, inisa-isa ang mga elemento para tuluyang maideklarang terorista si suspended Cong. Teves

Inisa-isa ni Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla ang grounds para tuluyang maideklarang terorista si suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Remulla, kabilang dito ang maliwanag na pagpopondo ni Teves sa mga pagpapapatay ng mga indibidwal kabilang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Tiniyak din ng kalihim na nasa proseso pa ang pagpapakansela sa passport ni Teves.


Nagpaliwanag din si Remulla na ang pagkakaantala ng paghahain ng kaso laban sa kongresista ay bahagi pa rin ng due process.

Ibinunyag din ni kalihim na may comfort zone sa Cambodia si Teves.

Kinumpirma rin ni Remulla na makikipagpulong siya mamaya kay Pamplona Mayor Janice Degamo, ang maybahay ng pinaslang na gobernador.

Facebook Comments