DOJ, ipinag-utos ang preliminary impact assessment kaugnay sa pagwawalang-bisa ng visiting forces agreement

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagbigay ng instruksyon ang Department of Justice (DOJ) na magsagawa sila ng preliminary impact assessment.

 

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang visiting forces agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

 

Ayon kay Panelo, mas nakikinabang ang Estados Unidos kaysa sa Pilipinas sa nasabing kasunduan kaya hindi na concern ng Pilipinas kung hindi na mapapawalang-bisa ang iba pang kasunduan.


 

Dagdag pa ni Panelo, nagbigay impormasyon na rin si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin sa co-equal legislative branch tungkol sa pinagkaka-abalahan ni Pangulong Duterte.

 

Samantala, pinagbsabihan naman ni dating US Ambassador Jose Cuisia ang malakanyang kaugnay sa pagpapawalang-bisa ng visiting forces agreement.

 

Ayon kay Cuisia, malalagay sa peligro ang kampanya ng bansa kontra sa terorismo kung itutuloy ni Pangulong Duterte ang pagpapawalang-bisa.

 

Malinaw kasi aniya na nakasaad sa VFA na binibigyan lamang ng prebilihiyo ang mga amerikanong sundalo na nasa Pilipinas.

Facebook Comments