DOJ, ipinatatawag ang BuCor kasunod ng pagkamatay ng ilang inmates sa bilibid

Ipinatatawag ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag ngayong araw na i-ulat ang nangyaring pagkamatay ng ilang bilanggo, partikular ang mga high-profile inmates sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Lumalabas sa mga ulat na ang inmate na si Jaybee Sebastian, ang pangunahing testigo laban kay Sen. Leila De Lima sa isa sa mga illegal drug trading cases ay namatay nitong Sabado at ang kanyang labi ay umano’y nai-cremate na sa Cavite crematorium.

Ang dahilan umano ng kamatayan ni Sebastian ay dahil sa acute myocardial infarction kaugnay sa COVID-19.


Si Sebastian, ay convicted ng kidnap-for-ransom at carjacking noong 2009.

Ayon kay Guevarra, nais niyang malaman ang tunay na nangyari sa loob ng NBP.

May sinisilip na silang ilang anggulo pero nais niya kay Bantag na ipaliwanag ang lahat ng protocols.

Una nang sinabi ni BUCOR Spokesperson Col. Gabriel Chaclag na nasa 18 persons deprived of liberty (PDL) ang namatay dahil sa COVID-19.

Hindi naman nila maaaring isapubliko ang pangalan ng mga bilanggong namatay sa COVID-19 dahil sa Data Privacy Act.

Pagtitiyak ng BUCOR na nagsasagawa sila ng identification, isolation at treatment programs para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga bilangguan.

Facebook Comments