DOJ, ipinauubaya na sa Ombudsman ang planong pag-iimbestiga kay Usec. Jojo Cadiz sa isyu ng posibleng conflict of interest

Wala pang impormasyon ang Department of Justice (DOJ) kung tinanggap na ang pagbibitiw ni Undersecretary Jojo Cadiz.

Kasunod ito ng anunsiyo ng Malacañang na naghain ng resignation si Cadiz na idinadawit ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa isyu ng mga kickback sa mga proyekto at pagiging ‘bagman’ umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa pulong balitaan ngayong Biyernes, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagsumite ng resignation si Cadiz bilang presidential appointee.

Wala namang sinabi kung kailan ito mismo nagbitiw.

Pero kinumpirma naman ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na nagbalik trabaho si Cadiz nitong Lunes matapos ang isang linggong leave o mula November 21 hanggang 28.

May reaksyon naman ang Justice Department sa pahayag ng Office of the Ombudsman na iimbestigahan na rin si Cadiz dahil sa koneksiyon nito sa isang contractor at sa posibleng conflict of interest.

Facebook Comments