Naipadala na ng Department of Justice (DOJ) ang komento nito sa Malacañang hinggil sa Anti-Terrorism Bill.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, masusing pinag-aralan ang bawat probisyon ng panukala.
Nakatuon aniya ang mga komento nito sa mga mahahalagang probisyon ng panukala.
Sinabi rin ni Guevarra na ikinonsidera ang operational needs ng pamahalaan sa pagtugon sa terorismo maging sa international commitments nito na hindi nawawala sa legal at constitutional parameters.
Sa ngayon, hinihintay na lamang na mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas.
Facebook Comments