DOJ: Kaso ng mga nawawalang sabungero, halos hindi na umuusad

Hindi na umuusad o wala nang nakikitang paggalaw ang Department of Justice (DOJ) sa kaso ng mga nanawalang sabungero.

Ito ang inamin ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla sa media briefing ngayong hapon.

Ayon kay Remulla, matapos ilabas ang warrant of arrest ay 90 araw nang halos hindi na umusad ang kaso.


Gayunpaman, tiniyak ni Remulla na hindi nila bibitawan ang kaso ng mga nawawalang sabungero at hihintayin muna nila ang ulat bago magdesisyon sa susunod na gagawing hakbang.

Titignan din aniya ng DOJ posibleng pagre-organisa sa imbestigasyon at kung ano ang ginagawa ng kapulisan sa kaso.

Pinagsusumite naman ni Remulla ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) ng written report sa August 23 hinggil sa tinatakbo ng kaso ng nawawalang sabungero.

Facebook Comments