DOJ, kinontra ang akusasyon ni Gen. Bantag na mali ang katawan na na-autopsy sa Lapid-Palaña murder case

Pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) ang alegasyon ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na mali ang labi na na-autopsy kaugnay ng Lapid-Palaña murder case.

Partikular ang alegasyon na ibang katawan daw ang sinuri ng National Bureau of Investigation at ni Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun

Sinabi ni Bantag na katawan ni Jun Globa Villamor ang isinailalim sa autopsy at hindi katawan ni Cristito Villamor Palaña na itinuturong middleman sa pagpatay sa Broadcaster na si Percy Lapid.


Iginiit naman ni DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano na mismong ang kapatid na babae ni Cristito ang nag-identify sa labi nito bago isinagawa ang autopsy.

Tiniyak din ng DOJ na maliliwanagan si Bantag oras na ilabas na ng prosecutors ang kanilang sagot at mga ebidensya.

Facebook Comments