DOJ, kinumpirma na hindi muna ipo-proseso ang pagpapalaya kay Pemberton

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na hindi muna itutuloy ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagproseso sa release order ni US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Justice Spokesman Usec. Markk Perete, bahagi aniya ito ng proseso, hangga’t may nakabinbin na motion for reconsideration ang mga abogado ng pamilya ni Jenifer Laude.

Una nang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na dati ring abogado ng pamilya Laude, na nag-abiso na ang Justice Department sa BuCor na itigil muna ang pagproseso sa release order ni Pemberton dahil naka-apela pa ang kaso.


Ayon naman kay Atty. Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude, posibleng sa Lunes ay dinggin ng korte ang kanilang mosyon na kumukwestyon sa pagpapalaya ng Olongapo RTC kay Pemberton.

Facebook Comments